Sunday, October 25, 2015

Halalan 2016


Bansa Natin, Paunlarin

. Ngayong 2016 bagong eleksyon. Bago ulit ang mamumuno sa ating bansa. Ngunit paano kung ang mamamayan o ang ating bayan ay bumoto ng hindi karapat-dapat para sa pagpapatakbo ng ating bansa? Masosolusyunan na nga ba ang mga problema sa ating ekonomiya? Sa ating bansa?



Sa aking opinyon ito ay sa mga desisyon ng tao kung kanino sila na asa para ilagay sa kamay ng taong karapat-dapat sa kanyang posisyon. Kinakailangan ng pokus ang ating gobyerno kung ano ang kailangan baguhin sa ating bansa na ikabubuti ng mga mamamayang Pilipino.  

Ang mga mamamayan na na sa tamang edad para bumoto ay may karapatan para bumoto ng mga kandidato na tatakbo para sa eleksyon 2016. Kahit tayo ay wala pa sa tamang edad para bumoto, pwede tayong magtulungan na kahit tayo ay gumawa ng maliit na bagay, na malaki ang maitutulong sa ating bansa. 

Ang bansang Pilipinas ay isang demokratikong bansa na kung saan ito'y nagpapakita na pantay lang ang tao para pumili ng karapat-dapat na mamumuno sa ating bansa para umunlad ang Pilipinas. Kaya hindi tama ang vote-buying o ang pamimili ng boto dahil nawala ang kalayaan o karapatan natin bilang isang mamamayang Pilipino sa ating tungkulin o obligasyon. Ito ay hindi tapat sa mga kandidato na tatakbo sa kani-kanilang posisyon, gayundin sa mamamayang Pilipino.

Ang ating mga desisyon ay maaaring gumawa ng isang malaking pagbabago sa ating buhay. Ang desisyon ng ating gobyerno ay may apekto sa ating ekonomiya, ang mga mamamayan at ang ating bansa. Kaya tayo ay magtulungan at magkaisa para sa pagpapaunlad ng ating bansa, sa tamang paraan.


No comments:

Post a Comment